Being your own person is nothing to be ashamed of, no matter how flawed you are, but the stigma of the society makes you think otherwise. Indeed, the image of a Filipina has been stigmatized to the character of Maria Clara and as such, every one of us who goes against the stigma is branded as liberal or just plain mad. In other words, if a Filipina is not Maria Clara then she must be a pretentious Victorina, a horrid Consolacion or even a crazy Sisa.
I have to admit that I have been blasted several times by possessing a liberated mind and by being overly frank – I cannot even find a decent sweetheart who could accept me as what I am.
I wish I could wake-up one day and find myself in a situation wherein our nation have already gone through a paradigm shift into accepting that perhaps nowadays NOT ALL FILIPINAS ARE MARIA CLARAS

the dark side of bitterness and solitude…
http://www.facebook.com/#!/pages/The-Bitterbitch-Project/150527631637020

Teenager na ako nung una akong makakain sa karinderya (except sa halo halo ni aling banang…hehehe!) hinde dahil sa maarte ako, pero di kasi ako nagbabaon ng pera nung nasa mababang paaralan pa lang ako sapagkat ang aming butihing tagapag alaga (aka ate fely) ay ipinaghahanda kami n gaming baon sa araw araw at hinahatid at sundo sa amin paaralan.
Nung high school, ako’y nakiusap na sa aking mama na kung pwede ay din a ko magbaon kasi din a magkasya ang baunan sa akin bag na punong puno ng libro at gamit (pero kung espesyal ang ulam, go lang!) kaya mula nuon, sa karinderya o sa canteen ako kumakain… (pero mas gusto ko sa karinderya kasi nakakapanuod pa ako ng magic knight rayearth o slamdunk)… mula nuon at hanggang ngayon e lagi pa rin ako kumakain sa karinderya… kayak o sinulat ang artikulong ito ay bilang parangal sa lahat ng karinderya at ate at kuya na nagtratrabaho dito…
ANG MENU… BOW!
Di nawawala ang tapsilog sa menu ng mga karinderya… ngayon meron na ring tocilog, hotdogsilog, longsilog, malingsilog at kung anu ano pang silog. Ang “silog” sa menu ay katumbas ng mga value meals sa fast food kasi meron ka nang kanin at ulam na may kasama pang itlog… complete meals na! At usually, may isang specialty dyan ang isang karinderya. Halimbawa, sa Karinderya nni Aling A, specialty nila ang tapsilog… kina Mang B ay may kakaibang sauce ng hotdogsilog… and so on…
Usually, meron din naman lutong ulam like adobo, sinigang, tortang talong, fried chicken, lechon kawali, pritong isda, giniling na may tomato sauce, etc… Speaking of giniling at isda, naniniwala rin siguro ang mga may ari ng karinderya sa reincarnation… kasi minsan napapansin ko, pag giniling ngayon ang ulam, bukas may omelette na na giniling ang laman… pag naman pritong isda ngayon, bukas ay sarsiadong isda o sweet and sour naman… o di ba? Na reincarnate ang mga ulam! San ka pa?
Kadalasan din, may kasamang sabaw yung order mo. Madalas e yung sabaw yun ng pinakuluan buto buto na may bahid ng pagka nilagang baka (pinaghugasan daw ang tawag dito). Pero pag special occasions (siguro birthday ng may ari), makaka tiyempo ka ng sabaw ng sinigang o kaya ng tinola.
Pag hapon (mga bandang 4pm), naguumpisa na rin silang maghanda ng ihaw ihaw… may bbq, atay, betamax, adidas, balunbalunan, isaw at kung anu ano pang parte ng baboy at manok. Mag uumpisa na kasi ang “happy hour” kaya dumadagsa na rin sa karinderya ang mga manginginom.
SHORT ORDERS
Ito yung mga pagkain na pwedeng pang meryenda. Di ko alam bakit sila tinawag na short orders… e di naman tinatawag na long orders yung iba… Kadalasang pancit bihon, pancit canton, miki bihon, palabok spaghetti, lomi, champorado at goto ang mga ito. Masarap ang spaghetti sa short orders may giniling o corned beef, konting tomato sauce at bonggang bonggang UFC ketsup. Pero ang paborito ko ay champorado kasi para sa kin, lahat ng champorado e masarap (except ung sunog) lalo na kung discretion mo ang paglalagay na condesada na gatas.
TIP: masarap umorder ng bihon o palabok kapag ang ulam kahapon ay lechon kawali kasi maraming sahog.
PANG HIMAGAS
Pag malaki ang karinderya (tulad ng aling banang), kadalasan may halo halo yan. Ang halo halo, may regular at may espesyal, meron ding naman ung may ice cream. Pag regular, ung may basic sahog tulad ng beans, nata, gulaman, saging, at sandamakmak ang yelo at gatas. Pag espesyal, bukod sa may basic na sahog, meron ding ube at leche flan. Ang halo halo ice cream ay espesyal na may isang scoop ng ice cream.
Pero kung ang karinderya ay maliit o katamtaman ang laki, ang kadalasang dessert ay nilagang saging na saba o hinog na saging na lakatan. Minsan, lalo na pag summer, may saging con yelo o mais con yelo. Pag malapit naman sa school, merong iba’t ibang klase ng shake. Pero kung maglalakad ka lang sa may labas ng karinderya (lalo na pag malapit sa school o sa palengke), pwede ka na mag dessert ng scramble, dirty ice cream o cotton candy.
INUMAN/ INUMIN
Sa mga karinderya ngayon, ang mabibiling inumin ay coke sakto, c2 at Tropicana. Pag malapit ang karinderya sa istasyon ng bus, fx o jeep, meron ding mabibiling cobra energy drink. Pero sa halos lahat ng karinderya ay may malaking jug at isang tray ng mga nakataob na baso. Ito ang “drinking station”. Meron naman na may baso ibibigay say o at isang pitsil ng tubig. Umiinom ako dito pero binabanlawan ko muna ng tubig ung baso… pag medyo maselan ka at sirain ang tiyan mo (madaling mag LBM) mas mabuting bumili ka na lang ng mineral water o softdrinks.
Hanggang dito na lang siguro ang artikulong ito… nagugutom na kasi ako… hahahah! Diet pa naman ako… choz! Sa lahat ng Karinderya… MABUHAY KA! :)